Republic of the Philippines

EMBASSY OF THE PHILIPPINES WELLINGTON, NEW ZEALAND
50 Hobson Street, Thorndon, Wellington, New Zealand 6011

Ongoing and new cases of abuses against Filipino Workers in Christchurch and the Canterbury region

/ advisory, overseas labor office


Filipino:

Sa harap ng patuloy at bumabangong mga kaso ng pang-aabuso sa mga manggagawang Pilipino sa Christchurch at sa rehiyon ng Canterbury, pinapayuhan ang mga kababayang maingat na isaalang-alang ang mga alok na trabaho bago tanggapin ang mga ito. Kasama sa mga pang-aabuso ang mga hindi magandang tirahan ng Pastoral Care, iligal na pagbabawas ng suweldo, pang-aapi, pananakot, at iba pang uri nito. Kung kayo ay inaalok ng oportunidad na makapagtrabaho sa Christchurch o sa Canterbury, mangyaring sangguniin muna ang Philippine Overseas Labor Office (POLO). Nakalulungkot na ang ilang mga pinuno ng Filipino Community ay nasangkot sa mga kasong ito ng pang-aabuso, bagaman mayroon din namang ibang mga pinuno ng Filipino Community na tumutulong sa Embahada at POLO na tulungan ang mga biktima. Mangyaring makipag-ugnay din kaagad sa POLO kung kayo ay naging biktima sa polo.newzealand@philembassy.org.nz - Maraming salamat po!

English:

In light of the ongoing and new cases of abuses against Filipino Workers in Christchurch and the Canterbury regions – Filipinos are advised to carefully consider job offers before accepting them. Abuses include poor Pastoral Care accommodations, illegal salary deductions, bullying, intimidation, etc. If you have been presented an employment opportunity for Christchurch/Canterbury, please check with the Philippine Overseas Labour Office (POLO) first. Sadly, some Filipino Community leaders have been involved in these cases of abuse, although there are also other Filipino Community leaders who have been helping the Embassy and POLO assist the victims. Please also contact POLO immediately if you have been victimized at polo.newzealand@philembassy.org.nz - Maraming salamat po!

Next Post Previous Post