Facebook Community Group sa pagsasara ng ELE Group Ltd.
Para sa mga kababayan naming naapektuhan ng pagsasara ng ELE Group Ltd., mangyaring sumali sa pansamantalang Facebook Community Group ng Philippine Embassy in New Zealand upang mabigyan kayo ng impormasyon na mula sa Ministry of Business, Innovation at Employment (MBIE) ng New Zealand.
Paki-click po ang QR Code o kaya'y i-add ang link na ito: https://www.facebook.com/groups/1500834977434899 Maraming salamat po. #IngatKabayan