Agosto 2024 - Buwan ng Wikang Pambansa - Filipino Wikang Mapaglaya
Malugod na iniimbitahan ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (DFA) at ng Pambansang Komisyon ng Pilipinas para sa UNESCO (UNACOM) ang lahat sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto.
Nakikiisa ang DFA at UNACOM sa Komisyon sa Wikang Filipino sa paggunita ng Buwan ng Wikang Pambansa na may temang “Filipino, Wikang Mapagpalaya”. Kilalanin natin ang mahalagang tungkulin ng wika sa pag-uunawa at pakikiisa sa diwa at damdamin ng bawat isa na siyang makapagbibigay daan sa malayang pagpapahayag at pagtatagumpay ng sambayanan.
Bawat salita at kuwentong ibinabahagi natin sa isa’t isa ay naglalaman ng ating diwa at damdamin; bilang koleksyon ng mga salita at kuwento ng mamamayan, ang wika ay may kakayahang kumatawan sa ating kasaysayan, kultura, pagpapahalaga, at paniniwala.
Sa buwang ito, nais ng DFA at UNACOM na itampok ng ilang tanyag na mga makatang sumusulat sa wikang Tagalog, Bicol, Kapampangan, at Cebuano, upang ipakilala ang angking galing ng Pilipinong manunulat at ang kariktan ng iba’t ibang wika ng Pilipinas.
Iniimbitahan rin ang lahat na palayain ang isip at diwa sa pamamagitan ng pagsulat ng sariling tula at mensahe gamit ang ating wikang pambansa o isa sa higit isang daang wika sa bansa. Ibahagi sa Social Media at gamitin ang mga hashtag: #MapagpalayangDFA #DFASumusulong #BuwanngWikangPambansa2024
Antabayanan ang mga sumusunod na paskil para makilala ang ating mga makata at mabasa ang kanilang mga tula na tumatampok sa diwa ng pagiging isang Pilipino. Abangan sa 12 Agosto 2024 ang mga tula ni Rio Alma sa Tagalog.
Mabuhay ang Wikang Pilipino!