WHO ApartTogether Survey JSD-2020-34
IN ENGLISH
Dear Kababayans who now work and live outside of the Philippines,
WHO is conducting a survey ApartTogether for a global study to assess the psychosocial impact of the Covid-19 pandemic on refugees and migrants, the results of which shall be used to inform and support policy- and decision-makers.
It is a collaboration among the World Health Organization across its regional offices, the UN System, and a consortium of research centres led by Ghent University (Belgium) and University of Copenhagen (Denmark).
For Filipinos, the target respondents are: [1] Filipinos who have migrated to other countries including their Philippine-born children aged 16 years old and above; and [2] OFWs, including those who lost jobs and those stranded due to Covid-19.
The Embassy requests you to participate in the survey by accessing the links below. We further request that you complete the online questionnaire in one sitting. Your response will help ensure that the situation of Filipinos workers and immigrants will be considered in any new policies because of COVID-19.
The results of the survey will be used for publications of WHO and the collaborating universities which will be made available or linked to its website. You can also sign up to our newsletter and receive updates via email (healthmigration@who.int). Here are the links to the online questionnaire:
- WHO website: https://www.who.int/news-room/events/detail/2020/07/15/default-calendar/assessing-the-impact-of-covid-19-on-refugees-and-migrants
- WHO official Twitter: https://twitter.com/WHO/status/1284101422502621184?s=20
- Direct link to the survey: https://rws.my-survey.host/index.php/271432?lang=en
For those of you who are seafarers, you will encounter the questions:
- In which country do you live now? Please click on the country where you are currently docked, or, if you are at sea, please click on the country of your destination.
- How long have you been living in this country? Please answer “Not Applicable”.
- Where do you live? Please click the option Somewhere else and then type SHIP in the box beside it.
Thank you!
IN FILIPINO
Minamahal naming mga Kababayan na ngayon ay nagtatrabaho at naninirahan sa labas ng Pilipinas,
Ang WHO ay nagsasagawa ng survey ApartTogether para sa isang pandaigdigang pag-aaral upang masuri ang psychosocial na epekto ng pandemyang Covid-19 sa mga refugee at migrante, kung saan ang mga resulta ay gagamitin upang ipaalam at suportahan ang mga gumagawa at nagdedesisyon ng mga polisiya.
Ito ay isang pakikipagtulungan ng World Health Organization sa buong panrehiyong opisina nito, UN System, at isang consortium ng mga sentro ng pananaliksik na pinamumunuan ni Ghent University (Belgium) at University of Copenhagen (Denmark).
Para sa mga Pilipino, ang target na respondents ay: [1] Mga Pilipinong lumipat sa ibang bansa kabilang na ang kanilang mga anak na isinilang sa Pilipinas na edad 16 na taong gulang at pataas; at [2] OFWs, kabilang ang mga nawalan ng trabaho at ang mga stranded dahil sa Covid-19.
Hinihiling ng Embahada na makilahok kayo sa survey sa pamamagitan ng pag-access sa mga link sa ibaba. Hinihiling din namin na kumpletuhin ninyo ang online questionnaire sa isang upuan. Ang iyong sagot ay makakatulong upang matiyak na ang sitwasyon ng mga manggagawang Pilipino at mga imigrante ay maisaalang-alang sa anumang bagong patakaran na isasagawa dahil sa Covid-19.
Ang mga resulta ng survey ay gagamitin para sa mga lathalain ng WHO at ng mga makikipagtulungang unibersidad na ipapamahagi o ili-link sa kanyang website. Maaari rin kayong mag-sign up sa kanyang newsletter at makatanggap ng mga update sa pamamagitan ng email (healthmigration@who.int). Narito ang mga link sa online questionnaire (maaaring palitan ang lenguwaheng gagamitin sa survey at piliin ang Tagalog kung kayo po ay magiging mas kampante):
- WHO website: https://www.who.int/news-room/events/detail/2020/07/15/default-calendar/assessing-the-impact-of-covid-19-on-refugees-and-migrants
- Opisyal na Twitter ng WHO: https://twitter.com/WHO/status/1284101422502621184?s=20
- Direktang link sa survey: https://rws.my-survey.host/index.php/271432?lang=en
Para sa inyong mga tripolante (seafarers), makakaharap ninyo ang mga tanong:
- Saang bansa ka nakatira ngayon? I-click lamang ang bansa kung saan kayo ay kasalukuyang naka-dock, o, kung ikaw ay kasalakuyang nasa dagat, mangyaring i-click ang bansa ng iyong destinasyon.
- Gaano katagal ka nang nakatira sa bansang ito? Mangyaring ang isagot ay “Hindi Naaangkop”.
- Saan ka nakatira? I-klik lamang ang opsyon na “Iba pa” at i-type ang salitang “BARKO” sa kahong katapat nito.
Salamat!