Isang paalala sa ating mga kababayan na nagpupunta sa Embahada
Nakatanggap ang Embahada ng mga reklamo mula sa mga kapitbahay lalo na ang tungkol sa paninigarilyo, pagtatapon ng basura kung saan-saan at ang pagpaparada sa Resident Parking ng mga kababayang nagtutungo sa Embahada.
Nakikiusap po ang Embahada na huwag po tayong manigarilyo sa paligid ng Embahada, huwag magkalat at huwag mag-istambay nang matagal lalo na po at nasa Red Traffic Light System ang New Zealand.
Salamat po sa inyong kooperasyon at pang-unawa.
#IngatKabayan